Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2024

ANO BA TALAGA ANG KAILANGAN NG SIMBAHAN?

    May isang university sa US na nag-aaral ng mga kailangang paghahanda para sa anyo ng simbahang Katolika sa darating na mga taon, hanggang sa taong 2050. At kailan pa nga ba maghahanda kundi ngayon? Lalo na at kasalukuyang isinusulong ang isang napakagandang pagkukusa ng simbahan tungo sa sinodalidad o sama-samang paglalakbay ng mga kasapi ng simbahan.   Sa isang pagtalakay, napukaw ang aking isip ng isang paglalarawan ng pagkakaiba ng diin tungkol sa simbahan mula sa iba’t-ibang kultura ng daigdig. Ayon sa speaker, ang mga Katolikong lahing Ingles at Europeo daw ay nagbibigay ng halaga sa simbahan bilang isang gusali. Kaya mapapansin na sa mga bansa sa West, sa Europe at America, naglalakihan ang mga simbahan at katedral, napakagara ng mga disenyo at palamuti, at talaga namang mukhang tampukan ng sining at galing ng mga gumawa nito. Gusto nila na ang kanilang mga simbahan ay maging lugar na nagpapaunlak sa pagpasok ng mga tao at sa pakiramda...