Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2024

MENSAHE SA MAY MENTAL HEALTH PROBLEM

    Napakaraming mga tao ngayon ang dumaranas ng mental health problems. Iba’t-iba ang uri ng karamdamang pangkaisipan: nariyan ang depresyon, anxiety o lubhang pagkabahala, stress disorder, eating disorder, iba’t-ibang adiksyon, pag-iisip ng suicide, at marami pang iba. Nakakalungkot lamang na marami din sa mga nagdurusa nito ang walang matakbuhan o makausap man lamang dahil kulang ang ating pang-unawa sa ganitong kalagayan.   Akala ng iba ay drama lamang ito. Sabi ng iba, iniisip lang daw ito. Lakasan lang daw ang loob o kaya tibayan ang pananampalataya. Mahirap pa, minsan sa pari dinadala para i-pray over. Walang masamang basbasan ng pari ang maysakit, subalit dapat tandaang hindi basbas ang magpapagaling sa taong ito kundi tulong na propesyunal tulad ng counseling, therapy at konsulta sa mga eksperto. Bahagi ang pananampalataya ng paggaling ng tao, dahil nagpapalakas ito ng loob at nagbibigay pag-asa, subalit nais ng Diyos na gamitin natin an...