Sa pamamagitan ng isang dokumento, ang “The Queen of Peace: Note About the Spiritual Experience Connected with Medjugorje,” binigyan na ng Vatican ng pahintulat at paghikayat ang mga debosyong nagaganap sa Medjugorje, isang munting bayan sa Bosnia-Herzegovina, bahagi ng dating Yugoslavia. Dito sinasabing may 6 na bata na nakakita ng aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa ilalim ng titulo na “Reyna ng Kapayapaan.” Nagpapatuloy ang sinasabing mga pagpapakita ng Mahal na Birhen magpahanggang ngayon. At sa haba ng panahon, nagkaroon ng maraming kontrobersya, pagtatalo, at alitan tungkol sa pagiging tunay ng aparisyon na ito. Sa kabila ng lahat ng mga isyu na nakapalibot sa Medjugorje, dagsa ang mga tao na gumaganap ng mga pilgrimage sa mga orihinal na lugar sa bayan na may kinalaman sa aparisyon. Hindi naging madali ang mga panukala tungkol sa aparisyon lalo na nang maging ang mga pinuno ng simbahan ay nagpahayag ng alinlangan sa katotohanan ng...