Nagkagulo ang Catholic social media sa Pilipinas nang gabi ng October 6, 2024, nang mapabalitang ibinunyag ni Pope Francis ang kanyang mga bagong hirang na 21 bagong Kardinal ng simbahan na gagawaran ng karangalan at katungkulan sa darating na December 8 sa Roma. Napako ang pansin ng lahat kay Bishop Pablo Virgilio Siongco David, obispo ng Diyosesis ng Kalookan sa kalakhang Maynila, na ngayon ay malapit nang tanghalin bilang Pablo Cardinal David ng pandaigdigang simbahang Katoliko. Bagamat simple at tahimik ang landas na tinahak ng kanyang bokasyon, ang bagong Kardinal ay pumukaw sa atensyon ng marami sa kanyang masipag na pamumuno sa kanyang diyosesis. Pinalitan niya si Bishop Deogracias Iniguez, ang unang obispo ng batang simbahang local na sumasakop sa mga bayan ng Kalookan, Malabon at Navotas (dating tinatawag na district ng Kalmana, noong bahagi pa ito ng Archdiocese of Manila). Maaalalang isa si Bishop David sa bihirang mga tinig na pumail...