Ilang santo at santa ang inilahad ni Pope Francis na may kinalaman sa pagkalat ng debosyon sa Mahal na Puso nI Hesus, ayon sa kanyang 2024 encyclical na “Dilexit Nos,” isang liham tungkol sa pamimintuhong ito. Sinu-sino at ano ang kanilang kontribusyon sa kasalukuyang pamamanata ng mga tao sa Mahal na Puso? SAN FRANCISCO DE SALES Malaki ang ambag ni San Francisco de Sales sa debosyon sa Mahal na Puso ni Hesus. Madalas niyang pinagnilayan ang bukas na puso ni Kristo, na nag-aanyayang Manahan tayo sa kanya, sa personal na ugnayan ng pag-ibig. Nilabanan niya ang espiritualidad na batay sa mahigpit at istriktong moralidad at kabanalan sa pamamagitan ng paglalahad ng Puso ni Hesus na tumatawag sa atin na magtiwala, magpaubaya sa kanyang pagmamahal. Ayon sa kanya, nakasulat sa Puso ni Hesus ang lahat ng ating mga pangalan, dahil bitbit niya tayong lahat sa kanyang Puso. Kaya ang pag-ibig ng Panginoon ay hindi nakalutang sa alapaap kundi tunay na personal at nararamdaman,...