Bagamat hindi naging laganap ang promotion ng tinatawag na Year of Prayer na paghahanda sa Jubilee Year 2025, may ilang mga pagkukusa naman na ginawa sa ilang lugar, karamihan mababaw nga lang. May ilang lugar kung saan hinihimok ng mga obispo ang mga tao na magdasal, isang bagay na ginagawa na ng marami. Tila walang nakakaisip ng mga initiative para tulungan ang mga tao na mahubog sa kahulugan at kahalagahan ng panalangin, dahil sabi nga ni St John Paul II, ang bawat parokya ay isang “school of prayer.” Kaya marami ang alam lamang sa panalangin ay mga sauladong dasal, binabasang dasal, mahahabang dasal na walang puwang sa katahimikan at pagninilay, madaliang dasal tulad ng “Bless us, O Lord” bago kumain, o simpleng pagku-krus na lamang. Mahina na at hindi na dama ang impluwensya ng mga movements na dating nagpaigting ng buhay-panalangin ng mga tao. Tila hindi na uso ang mga Catholic charismatic groups, na tuluyan nang natalo ng mga fellowship tulad ng Victory ...