Bugso ng isang matinding ideyalismo, isang seminarista ang nagtanong sa kanyang gabay-espirituwal na isang marunong na pari. Tanong ng seminarista: “Sa dami ng aking mga dasal at sakripisyo sa seminary, sa tingin po ba ninyo ay nararating ko na ang aking kabanalan?” Tumugon ang pari: “Hindi mo problema ang bagay na iyan; problema iyan ng Diyos. Siya lang ang nakakaalam ng puso at espiritu ng tao.” Kahit tinatawag nating “Santo” Papa o “Holy” Father ang mga kahalili ni San Pedro bilang obispo ng Roma at pinuno ng mga obispo sa buong mundo, hindi nangangahulugan na nang mahalal sila bilang Santo Papa, naging banal na sila. Kung gayun, hindi na nila kailangang ipagdasal tulad ng bawat Kristiyano, at sa Banal na Misa, sa panalanging liturhikal, sa pagro-Rosaryo at iba pang debosyon; pero hindi ba at laging nababanggit ang panalangin para sa ating Santo Papa sa mga dasal na ito? Ito ay sapat na upang alisin sa isip ng mga tao, lalo na ng mga hindi Katoliko ang ...