Kahanga-hanga itong si Cardinal Pablo David sa lahat ng mga obispo ng Pilipinas, lalo na sa hanay ng mga Kardinal na Pilipino. Bagamat ang ibang Kardinal at karamihan sa mga obispo ay tahimik sa mga suliranin ng bayan, mabilis naman tumutugon si Cardinal David sa mga kinakaharap na isyu ng Lipunan. Hindi mapigilang maalala ang halimbawa ng yumaong Jaime Cardinal Sin na buong tapang na tinuligsa ang mga pagpapahirap sa mga tao noong kanyang kapanahunan. Tila si Cardinal David ang siyang tagapamana ng budhing panlipunan na isinabuhay ni Cardinal Sin. Nitong nakaraang mga araw, tinawag ni Cardinal David na “obscene,” o malaswa ang ugali ng mga mayayaman at maykaya at mga pamilya nila na ipagmayabang ang kanilang kayamanan sa social media: mga pagkaing sobrang mamahalin, mga koleksyon ng abubot na ginto ang halaga, mga pamamasyal at pamamahinga sa mga destinasyong sa pangarap lamang mararating ng marami. Napansin ang mga ito ng mga tao lalo na ...