Teka, ano ba muna ang klerikalismo? Sa isang naunang post , napag-usapan na ang kahulugan ng “clericalism” o “klerikalismo” na namamayani sa simbahan natin. Ito ang paniniwala na “ang kaparian natin ay natatangi at hiwalay sa ibang miyembro ng simbahan at sila ay dapat pagtuunan ng malaking pribilehiyo, walang pasubaling paggalang, at kapangyarihang walang limitasyon sa kanilang kaugnayan sa mga layko o binyagang Katoliko.” Ito ay isang attitude na buhay hindi lang sa mga pari, kundi pati sa mga obispo, diyakono, at seminarista din. Hindi lahat ng nabanggit ay nabahiran ng pananaw na ito pero marami na ang nahulog sa patibong. Ano ang epekto ng klerikalismo? Tingnan natin ang isa muna. Huwag na tayong lumayo sa parokya kung saan may tahasan at personal na karanasan ang mga tao sa kanilang mga pari. Hindi ba’t maraming mga tao ang nagsasabi na hindi approachable o madaling lapitan ang kanilang pari? Hindi kumportable ang mga tao...