Ano itong aking pakiramdam,
Nang ikaw’y palakpakan at papurihan,
Tila ako nama’y kinalimutan at tinapakan.
Sa halip na makigalak sa iyong sinapit
Himutok at inggit ang siyang kumapit
O Diyos ko, sa imbot huwag sanang mabulid.
Dalangin sa tuwina
Matuto ng tunay na pakikidama
Makiramay sa lumuluha
Makigalak sa nagsasaya
Sa kapwa itulot mong ako’y makiisa!
photo: https://thewell.northwell.edu/emotional-wellness/lack-of-empathy
