ANG MGA TITULO NI HESUS part 3 Ang pinakamahalagang titulo ni Hesus ay iyong siyang tumukoy sa ganap at malalim na pag-angkin niya tungkol sa tunay niyang pagkaka-kilanlan (identity) at sa buong hiwaga ang kanyang pagkatao, at ito ay ang titulo na siyang lumitaw sa pagyabong ng mg “kredo” (o pormula ng pananampalataya) ng huling bahagi ng Bagong Tipan at ng sinaunang simbahan, at siya ring napatunayang pinaka-angkop at pinakamabungang paglalarawan kay Hesus – “Anak,” o “Anak ng Diyos.” Sa unang iglap pa lamang, dapat nating isaalang-alang na ang titulo na “Anak” o “Anak ng Diyos” ay hindi agad mailalapat kay Hesus sa pakahulugang pisikal o biological. Napapalibutan ng mga bansang pagano, alam ng Israel na para sa mga pagano, ang “anak ng diyos” ay may kahulugang pisikal lamang – halimbawa, anak ng isang diyos na nakabuntis ng isang dalagang mortal, o kaya naman ay taguri para sa mga lubhang talentadong mga tao tulad ng manggagamot, pilosop...