Bahagi ng 2024 na deklarasyon ng simbahan ukol sa mga diumano’y mga aparisyon at iba pang mga kababalaghan ang ilang batayan kung paano makikilatis ang kanilang pagiging tunay; narito ang apat na tanda ng mula sa Diyos (supernatural) ang mga ito: Una, ang kredibilidad o mabuting reputasyon ng tumanggap ng kababalaghan at ng iba pang mga saksi dito; Ikalawa, ang tamang doktrinang kaakibat ng anumang mensahe mula sa aparisyon o sa pangitain; Ikatlo, ang hindi maipaliwanag na likas ng kababalaghan; ibig sabihin walang patunay na natural o tao lamang ang pinagmumulan nito; Ika-apat, ang pangyayari ay nagbunga ng espirituwal na kabutihan sa mga tao, sa tumanggap nito at sa mga nahikayat na maniwala dito. Ayon sa dokumento, ang Panginoong Hesukristo ang siyang kaganapan at katuparan ng lahat ng pagbubunyag ng Diyos. Lahat ng nais ng Ama na ibunyag ay ginawa na niya sa Anak, ang Salitang Nagkatawang-tao ...