Skip to main content

Posts

HAMON NG SUPER-BAGYO

    Hindi lang nagbago ang mga bagay at tao sa paglipas ng panahon. Pati ang panahon ngayon ay pabagu-bago na din. Dati, mangilan-ngilang bagyo lang ang dumadalaw sa bansa sa isang taon. Ngayon, halos walang pahinga ang bawat buwan ng tag-ulan sa sunud-sunod na dalaw ng bagyo. Dati ang bagyo ay karaniwan lang ang lakas subalit ngayon iba na ang tindi ng hangin, tubig at pinsala. Dati kaya pa nating maligo sa ulan kapag may bagyo pero ngayon, maraming mga tao ang walang pagpipilian kundi ang lumangoy sa baha na sumasalanta hindi lamang sa mga lungsod kundi maging sa mga kanayunan ng ating bayan.   Nakakalungkot din isipin na madalas ngayon, pagkaraan ng isang bagyo, may mga taong lumuluha dahil sa mga nawasak na kabahayan, mga nasirang kabuhayan, at mga nawalang buhay ng mga kapamilya, kaanak, at kapitbahay.   Sa bawat bagyo, dumadaing ang mga tao sa gobyerno. Mabilis na nagpapakitang-gilas ang mga ahensya ng pamahalaan sa paghahanda n...
Recent posts

MALASWA DIN!

    Kahanga-hanga itong si Cardinal Pablo David sa lahat ng mga obispo ng Pilipinas, lalo na sa hanay ng mga Kardinal na Pilipino. Bagamat ang ibang Kardinal at karamihan sa mga obispo ay tahimik sa mga suliranin ng bayan, mabilis naman tumutugon si Cardinal David sa mga kinakaharap na isyu ng Lipunan. Hindi mapigilang maalala ang halimbawa ng yumaong Jaime Cardinal Sin na buong tapang na tinuligsa ang mga pagpapahirap sa mga tao noong kanyang kapanahunan. Tila si Cardinal David ang siyang tagapamana ng budhing panlipunan na isinabuhay ni Cardinal Sin.   Nitong nakaraang mga araw, tinawag ni Cardinal David na “obscene,” o malaswa ang ugali ng mga mayayaman at maykaya at mga pamilya nila na ipagmayabang ang kanilang kayamanan sa social media: mga pagkaing sobrang mamahalin, mga koleksyon ng abubot na ginto ang halaga, mga pamamasyal at pamamahinga sa mga destinasyong sa pangarap lamang mararating ng marami. Napansin ang mga ito ng mga tao lalo na ...

Wala Ka nang Pag-asa?

    May mga pagkakataon bang nasabi mo sa sarili mo: Wala na akong pag-asa! Huli na ang lahat! Hindi na ako makakahabol! Wala nang magagawa pa! Hopeless situation na!   Subalit ang ganitong pakiramdam ay hindi tunay na pagkawala ng pag-asa. Natural sa mga tao ang manlumo (ma-depress sabi natin ngayon), dahil sa panghihinayang at pagkukulang. At sa mga panahong ganito ang damdamin natin, mas matingkad ang katotohanan na darating muli ang pag-asa at papalitan nito ang mga huwad na nagpapanggap na pag-asa – ang “sana” at ang “ok lahat.”   Ang “sana” (o mas palasak ngayon, “sanaol” ay katumbas ng tinatawag sa Ingles na “wishful thinking.” Ito iyong hinagap na makakamtan mo lahat ng hangarin mo; wala itong kinalaman sa pag-asa. “”Sana” tumama ako sa lotto; “sana” gumanda ang buhay ko ngayon.” Wala itong batayan sa katotohanan dahil ito ay isang guni-guni lamang. Mapalad ka kung maganap ang “sana” sa buhay mo.   Ang “ok lahat” ay katu...

MALI BA SI CARDINAL AMBO DAVID?

    Nagkagulo na naman ang mga Katolikong mabilis mataranta at ito ay dahil sa pahayag ni Cardinal Ambo David sa isang panayam na ibinigay niya sa isang conference. Nasabi kasi ng Cardinal ang ganito: “Huwag kayong maniniwala na ang kaligtasan ay para sa mga Katoliko lamang. Hindi ka Katoliko kung ang iniisip mo na ang maliligtas ay Katoliko lamang. Ang kaligtasan ay laan para sa lahat… sa buong sangkatauhan.”   Nag-alala ang ilan at naisip na baka daw maraming magsi-alisan sa pagiging Katoliko dahil maliligtas naman pala kahit hindi Katoliko. Baka din daw isipin ng ilang nagbabalak maging Katoliko na huwag ituloy dahil hindi naman pala ganoon kahalaga maging Katoliko. May mga nagalit, may mga nasaktan, may mga nagbintang na mali ang turo ng Cardinal tungkol dito.   Pero tingnan natin kung ganito ang sinabi ng Cardinal, magiging tama kaya ang lahat? Halimbawa ganito niya sinabi: “Maniwala kayo na tayong mga Katoliko lamang ang maliligtas...

PAKIKIDAMA SA KAPWA

    Ano itong aking pakiramdam, Nang ikaw’y palakpakan at papurihan, Tila ako nama’y kinalim utan at tinapakan. Sa halip na makigalak sa iyong sinapit Himutok at inggit ang siyang kumapit O Diyos ko, sa imbot huwag sanang mabulid. Dalangin sa tuwina Matuto ng tunay na pakikidama Makiramay sa lumuluha Makigalak sa nagsasaya Sa kapwa itulot mong ako’y makiisa!     photo: https://thewell.northwell.edu/emotional-wellness/lack-of-empathy

Bakit Kailangan ng Santo Papa ang Dasal Natin

    Bugso ng isang matinding ideyalismo, isang seminarista ang nagtanong sa kanyang gabay-espirituwal na isang marunong na pari. Tanong ng seminarista: “Sa dami ng aking mga dasal at sakripisyo sa seminary, sa tingin po ba ninyo ay nararating ko na ang aking kabanalan?” Tumugon ang pari: “Hindi mo problema ang bagay na iyan; problema iyan ng Diyos. Siya lang ang nakakaalam ng puso at espiritu ng tao.”   Kahit tinatawag nating “Santo” Papa o “Holy” Father ang mga kahalili ni San Pedro bilang obispo ng Roma at pinuno ng mga obispo sa buong mundo, hindi nangangahulugan na nang mahalal sila bilang Santo Papa, naging banal na sila. Kung gayun, hindi na nila kailangang ipagdasal tulad ng bawat Kristiyano, at sa Banal na Misa, sa panalanging liturhikal, sa pagro-Rosaryo at iba pang debosyon; pero hindi ba at laging nababanggit ang panalangin para sa ating Santo Papa sa mga dasal na ito? Ito ay sapat na upang alisin sa isip ng mga tao, lalo na ng mga hindi Katoliko ang ...