Dahil sa synodality, dapat maging matingkad ang ugnayan ng pagpapalitan at pagbabahaginan sa pagitan ng obispo at ng bayan ng Diyos. Mahalagang kilalanin ang tinatawag na “sensus fidei” (kamalayan ng pananampalataya) ng mga binyagan, ng mga karaniwang mananampalataya. Ano ba ang “sensus fidei?” Ito ay ang espirituwal na kakayanan ng isang binyagang Kristiyano na maramdaman at makilatis ang isang aral bilang matapat o kaya ay taliwas sa Mabuting Balita ng ating Panginoong Hesukristo. Hindi ito bunga ng pangangatuwiran kundi bugso at natural na udyok na karunungang kaloob ng Espiritu Santo sa mga anak ng Diyos. Dahil sa sensus fidei, dapat lamang ang pagpapalitang-kuro ng mga pinuno ng simbahan at ng mga ordinaryong kasapi upang makarating sa makabuluhan at mabungang pagtugon sa kalooban ng Diyos. Hindi lamang ang mga obispo ang nakakaalam ng kalooban ng Diyos at ng turo ng Diyos sa simbahan. Hindi tagatanggap lamang ng aral ang mg...